Bakit ang Langit ay Mataas

Noong unang panahon, malapit na malapit ang langit sa lupa. Maaring mahipo iyon.

Nakatira ang dalawang magkapatid na lalake sa kanilang mga magulang. Ang mga pangalan nila ay Ingat at Daskol.

Alamat ng Bulkang Pinatubo

Masagana ang Kahariang Masinlok. Magandang maganda noon ang umaga. Maningning ang sikat ng araw .Sariwa ang hanging amihan. Lunti ang mga halaman sapaligid. Masigla ang awit ng mga ibon. Bughaw ang kabundukan. Subalit ang kagandahan ng umaga ay hindi nakasiya sa Datu.Wala siyang madamang kaligayahan sa lahat ng namamalas.

SA PULA, SA PUTI (ni Francisco "Soc" Rodrigo)

Sa Pula Sa Puti Soc Rodrigo Sabong Painting Cockfight Painting
Kulas: A…hem! E, kumusta ka ngayong umaga, Celing.

Celing: Mabuti naman, Kulas. Salamat at naalala mo akong kamustahin.

Kulas: Si Celing naman, bakit naman ganyan ang sagot mo sa akin?

Celing: Sapagkat pagkidlat ng mata mo sa umaga, wala ka ng iniisip kamustahin at himasin kundi ang iyong tinali. Tila mahal mo ang tinali mo kaysa sa akin.

GUBAT (By Moises Santiago)

Malawak na dibdib
ng sangkalikasan
may pusong maliblib
ng kahiwagaan;
madawag sa tinik
ng kasiphayuan;
mababa, matarik
ang mga halaman;
may mahalumigmig
na himig ng buhay.

Ang Kwento nga Unang Alitaptap

Noong unang panahon, ang mga alitaptap ay maliliit na kulisap lamang. Ang mga kulisap na iyon ay walang dala-dalang apoy. Nguni’t ito ring mga kulisap na ito ang tinatawag natin ngayong ALITAPTAP. Bakit kaya sila ngayon ay may dal-dalang apoy na kikisap-kisap?

PEDRO PLANAS - Pinoy Imbentor

Si Pedro Planas, 67 ay isang dating nagmamaneho ng jeepney. Hindi siya nakapag-kolehiyo ngunit nagtapos siya ng ilang vocational courses, isa na rito ang automotive mechanics. Hindi man siya nag-aral ng kolehiyo, nakaimbento naman siya ng bagay na malaki ang tulong sa mga motorista. Tinatawag niya itong Khaos Super Turbo Charger (KSTC) mula sa diyosa ng hangin sa mitolohiya.

Araw ng Kagitingan (Talumpati ni Noli De Castro)

Ito ay talumpati ni Pangalawang Pangulo Noli De Casto sa paggunita nga Araw ng Kagitingan noong ika-9 ng Abril 2005 sa Dambana ng Kagitingan, Mt. Samat, Pilar, Bataan.



Tayo ay nagtipon-tipon muli sa makasaysayang pook na ito upang gunitain at pasalamatan ang mga taong nalagay sa panganib o nagbuwis ng buhay upang matamasa natin ang biyaya ng kalayaan.

Ang Araw ng Kagitingan ay handog natin sa alaala nilang mga nakipaglaban upang tayo ay makinabang sa paghahari ng kapayaan.

Talambuhay ni Gabriela Silang

Talambuhay ni Gabriela Silang Talambuhay ng mga Bayani Talambuhay ng mga Sikat na Pilipino Bayani ng Pilipinas Alamat Tula Pabula Maikling Kwento Katutubong Sayaw
Si Gabriela Silang ay ang matapang na asawa ni Diego Silang. Nang mamatay ang asawa.,ipinagpatuloy nito ang himagsikan. Subalit nadakip ito sa Abra at pinatay ng mga Kastila sa paamagitan ng pagbitay nong Septyembre 20,1763.

Ang Daga at ang Leon

Isang daga ang nakatuwaang maglaro sa ibabaw ng isang natutulog na leon. Kanyang inaakyat ang likuran ng leon at pagdating sa itaas ay nagpapadausdos siya paibaba.

Sa katuwaan ay di niya napansin na nagising ang leon. Dinakma ng leon ang daga at hinawakan sa buntot na wari bagang balak siyang isubo at kainin. Natakot at nagmakaawa ang daga.

Bawat Tagaktak ng Pawis (ni Gregorio V. Bituin Jr.)

Tula: BAWAT TAGAKTAK NG PAWIS
ni Gregorio V. Bituin Jr.
(11 pantig bawat taludtod)
bawat tagaktak ng pawis ay tanda
ng sipag at tyaga ng manggagawa
bawat tagaktak ng pawis ng dukha
tanda ng isang kahig isang tuka

ngunit ang pawis ng kapitalista
ay tanda ng tusong tatawa-tawa
muli na naman siyang nakaisa
at dumaming muli ang kanyang pera

Ang Kalabasa at ang Duhat

Noong unang panahon nagtanim si Bathala ng kalabasa at duhat. Gusto niyang makita kung papano magsilaki ang mga ito.

Dahil si Bathala ang nagtanim, kaydali nilang lumaki. Si Duhat ay lumaki pataas na ang itinuturo’y kalangitan, at ilang araw pa ay nakahanda na itong mamunga.

Sabik na sabik na akong mamunga, wika ni Duhat.

Alamat ng Paruparu

May isang diwatang may napakapangit! Ang mukha niya’y mapula at kulobot. Ang mga mata’y singningas ng apo. Ang saplot ay matandang kasuotan. May pulopot na basahan ang kamay. Siya’y pilay kaya pahingkiud-hingkod kung lumakad.

Si Juan Tamad at ang mga Alimango

Isang araw si Juan ay inutusan ng kanyang inang si Aling Maria. "Juan, pumunta ka sa palengke at bumili ng mga alimangong maiuulam natin sa pananghalian. "Binigyan ng ina si Juan ng pera at pinagsabihang lumakad na nang hindi tanghaliin.

Nang makita si Juan sa palengke ay lumapit siya sa isang tinderang may tindang mga alimango at nakiusap na ipili siya ng matataba. Binayaran ni Juan ang alimango at nagpasalamat sa tindera.

Mga Salawikain (April 2011)

Heto ang 10 SALAWIKAIN para sa buwang ito.


Ang kaginhawaan ay nasa kasiyahan
At wala sa kasaganaan.

Mga Katutubong Sayaw ng Pilipinas

Ang mga sumusunod ay pito lamang sa maramang katutubong sayaw sa ating bansa.




Tinikling

Ang Tinikling ay ang sayaw na pambansa sa Pilipinas. Pinangalan itong sayaw na ito sa ibong Tikling na katutubo sa Leyte. Iniilagan ng mga nagsasayaw ang haligi na kawayan kagaya ng pagilag ng mga tikling sa magsasaka ng palay kapag hinuhuli sila. Mabilis na mabilis ang kilos ng mga paa ng mga nagsasayaw.