30 BUGTONG Para sa Lahat

1. Isang butil ng palay, sakot ang buong buhay.
Sagot: ilaw


2. Kung kailan mo pinatay, saka pa humaba ang buhay.
Sagot: kandila


3. Sa araw ay bungbong, sa gabi ay dahon.
Sagot: banig



4. Baboy ko sa pulo, ang balahibo’y pako.
Sagot: langka


5. Nang sumipot sa maliwanag, kulubot na ang balat.
Sagot: ampalaya


6. Ako ay may kaibigan, kasama ko kahit saan.
Sagot: anino


7. Dumaan ang hari, nagkagatan ang mga pari.
Sagot: siper


8. Naabot na ng kamay, ipinagawa pa sa tulay.
Sagot: kubyertos


9. Malaking supot ni Mang Jacob, kung sisidlan ay pataob.
Sagot: kulambo


10. Munting hayop na pangahas, aaligid-aligid sa ningas.
Sagot: gamu-gamo


11. Tinaga ko ang puno, sa dulo nagdurugo.
Sagot: gumamela


12. Baka ko sa palupandan, unga’y nakakarating kahit saan.
Sagot: kulog


13. Maliit pa si kumare, marunong ng humuni.
Sagot: kuliglig


14. May bintana nguni’t walang bubungan,
may pinto nguni’t walang hagdanan.
Sagot:  kumpisalan


15. Heto na si Kaka, bubuka-bukaka.
Sagot: palaka o gunting




16. Magandang prinsesa, nakaupo sa tasa.
Sagot: kasoy


17. Kay lapit-lapit na sa mata, di mo pa rin makita.
Sagot: tenga


18. Hindi pari, hindi hari, nagdadamit ng sari-sari.
Sagot: paruparo


19. Dalawang batong itim, malayo ang nararating.
Sagot: mga mata


20. Sa maling kalabit, may buhay na kapalit.
Sagot: baril


21. Sa buhatan ay may silbi, sa igiban ay walang sinabi.
Sagot: bayong o basket


22. Hindi tao, hindi hayop, kung uminom ay salup-salop.
Sagot: batya


23. Isa ang pasukan, tatlo ang labasan.
Sagot: kamiseta



24. Nagbibigay na, sinasakal pa.
Sagot:  bote


25. Buto’t balat na malapad, kay galing kung lumipad.
Sagot: saraggola


26. Lumuluha walang mata, lumalakad walang paa.
Sagot:  ballpen o Pluma


27. May puno walang bunga, may dahon walang sanga.
Sagot:  sandok


28. Hinila ko ang baging, sumigaw ang matsing.
Sagot:  kampana o batingaw


29. Yumuko man ang reyna, di malalaglag ang korona.
Sagot:  bayabas


30. Nakatalikod na ang prinsesa, ang mukha’y nakaharap pa.
Sagot:  balimbing

Walang mga komento:

Mag-post ng isang Komento