Talambuhay ni Corazon "Cory" Aquino

Si María Corazón Cojuangco-Aquino na lalong mas kilala sa palayaw na Cory ang ikalabing-isang Pangulo ng Pilipinas ng Republika ng Pilipinas at kauna-unahang naging babaeng pangulo ng Pilipinas (Pebrero 25, 1986–Hunyo 30, 1992). Ipinanganak siya noong Enero 25, 1933 sa Tarlac ng kanyang mga magulang na sina Jose Cojuangco Sr. at Demetria Sumulong. Kilalang may kaya ang kanilang angkan na nagmamay-ari ng malawak na lupain sa Tarlac.

Cory Aquino Corazon Aquino Talambuhay Pangulo ng Pilipinas Philippine President

Nagtapos siya sa isang paaralang Katoliko na para lamang sa mga kababaihan bago pinalad na makapag-aral sa Estados Unidos at nakapagtapos nang may digri sa Wikang Pranses at Matematika sa New York's Mount Saint Vincent College. Nagbalik siya ng Pilipinas noong 1953 upang kumuha ng kursong abugasya. Doon niya nakilala ang kabiyak na si Benigno Aquino, Jr. ("Ninoy"), ang pinaslang na lider ng oposisyon noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos.
Cory Aquino Corazon Aquino Talambuhay Pangulo ng Pilipinas Philippine President

Nailuklok siya sa pamamagitan ng isang mapayapang rebolusyon (Unang Rebolusyon sa EDSA) noong Pebrero 25, 1986 at ibinalik niya ang demokrasya sa bansa. Siya ay kilala rin bilang ina ng artistang si Kris Aquino.


Si Cory Bilang Asawa ni Benigno Aquino, Jr.

Kilalang angkan ang Aquino sa politika. Nahalal bilang mayor si Benigno Aquino, Jr. o kilala sa tawag na Ninoy isang taon matapos ang kanilang pag-iisang dibdib. Naging pinakabata rin itong gobernador hanggang sa maging senador.

Naging pangunahing kritiko ng dating Pangulong Ferdinand E. Marcos ang kanyang asawa at isa sa mga nakulong matapos maideklara ang Martial Law noong Setyembre 21, 1972. Dahil sa ilang taong pagkakakulong ng kanyang asawa ay siya ang naging tagapagsalita at katuwang nito sa pakikipag-usap sa mga aktibista at mamamahayag. Pansamantala silang nanirahan sa Boston matapos na palayain ang kanyang asawa upang sumailalim sa operasyon sa puso.

Taong 1983 ng buwan ng Agosto ng mapagpasiyahang bumalik sa Pilipinas ng kanyang asawang si Benigno Aquino, Jr. upang tulungan ang mga taong hindi sang-ayon sa pamumuno ng dating Pangulong Ferdinand E. Marcos. Sa kasamaang-palad ay ipinapatay siya matapos makalapag sa paliparan ang eroplanong kanyang sinasakyan.


Si Cory Bilang Unang Babaeng Pangulo ng Pilipinas

Taong 1985 ng mapili siya ng National Press Club ng Maynila upang tumakbo bilang Pangulo ng Pilipinas. Nangako siyang tatakbo sakaling makakalap ang grupo ng isang milyong lagda ng mga taong nagnanais na maging Pangulo siya. Matagumpay namang nakalap ang higit sa isang milyong lagda kung kaya't sinuportahan din siya ng anim pang partido. Napagpasiyahan niyang tumakbo hindi upang maghiganti kundi upang magkamit ng katarungan. May kalakihan ang tsansa niyang mahalal sapagkat bukod sa bago lamang siya sa pulitika ay katulad niya ang mga paniniwala at adhikain ng nasirang asawa.

Sa kasamaang palad ay hindi na natuklasan pa ang kinahinatnan ng eleksyong Pampanguluhan. Matapos ang isang mapayapang rebolusyon (Unang Rebolusyon sa EDSA) noong Pebrero 25, 1986, at mapatalsik sa posisyon ang dating Pangulong Ferdinand E. Marcos ay nailagak siyang Pangulo ng Pilipinas ng Pilipinas.

Halos pitong pag-aaklas ang naganap upang siya'y mapatalsik ang dinanas ng kanyang liderato. Ang ilan pa sa mga ito'y pinamunuan ng mga taong nagluklok sa kanya sa pwesto. Taong 1991 nang maglabas ng kasulatang nagpapahintulot sa kanyang manatili sa pwesto hanggang Hunyo 30, 1992.  Pinalitan siya ni Fidel V. Ramos bilang Pangulo noong matapos ang kanyang termino.


Si Cory at ang CARP

Dalawang taon matapos siyang maluklok bilang Pangulo ng Pilipinas, ipinatupad niya ang Comprehensive Agrarian Reform Act o CARP sa ilalim ng Republic Act No. 6657. Ilang kontrobersiya ang kinasangkutan nito lalo pa't kilalang haciendero ng ekta-ektaryang lupain ang kanyang pamilya. Sa ilalim ng programang ito ay mabibigyan ng lupa ang humigit kumulang sa 8.5 milyong magsasaka at manggagawa ng lupa sa loob ng sampung taon upang kumawala sila sa kahirapan at pagiging alipin.

Sa kasamaang palad, ang naipangakong 24 na milyong ektaryang lupa na ipamamahagi sana ay naging 4.7 milyon na lamang. Hindi na natuloy ang maayos na pamamahagi ng lupa dahil na rin sa kakulangan sa pondo at iba pang kadahilanan. Ang ilan namang pinalad na makatanggap ng lupa ay napilitang ibenta itong muli sa iba. 3 sa 5 katao na nagkamit ng lupa ang nagbentang muli nito dahil na rin sa wala silang sapat na pondo upang mapanatili ang kanilang lupain na sana'y planong gawing lupang pang-agrikultura.


Pagkakasakit

Marso 24, 2008 unang natuklasan ang pagkakaroon ng colon cancer ang dating pangulong Corazon Aquino. Humingi ng dasal at suporta para sa kanyang maysakit na ina si Kris Aquino, ang artista at TV host na bunso niyang anak.

Nagsimula ang karamdaman ng dating pangulo sa paulit-ulit na pagtaas ng blood pressure nito, paglalagnat at hirap sa paghinga. Hindi nagtagal ay naiulat ang kawalang-gana nito sa pagkain, hindi gumagaling na pag-ubo at ang kapansin-pansing pagbaba ng timbang na naging sanhi ng kanyang pagkapayat. Ito ang nagbunsod sa magkakapatid na Aquino na ipailalim sa malawakang pagsusuri ang kalusugan ng kanilang ina at dito natuklasan ang pagkakaroon niya ng cancer cancer sa colon.

Nakiusap ang pamilya na irespeto ang pribadong buhay ng kanilang ina at samahan sila sa pagdarasal upang gumaling ang karamdaman nito. Umabot sa mahigit na 14 na buwan ang pakikipaglaban ng pangulo sa sakit na cancer kaalinsunod ang pagpapasailalim sa Chemotherapy sessions.


Laparoscopic Colon Surgery

Sumailalim sa laparoscopic surgery ang dating Pangulong Corazon Aquino noong Mayo 4, 2009 sa Makati Medical City. Ang laparoscopic surgery ay isang uri ng pagtitistis na isinasagawa upang tanggalin ang mga cancer cells sa colon sa pamamagitan ng paggawa ng malilit na paghiwa sa sikmura kumpara sa malalaking paghiwa na kinakailangan para sa tradisyunal na operasyon. Ipinapasok ang laparoscope (isang napakaliit na telescope na nakakabit sa video camera) sa isa sa mga butas upang bigyan ng kalayaan ang siruhano na makita ang loob ng tiyan.

Ang mga instrumento ay ipinapasok sa kabilang butas upang tanggalin ang may karamdamang bahagi ng colon. Matapos nito ay muling ilalagay o ikakabit ang malusog na bahagi o parte. Tinatayang umaabot sa dalawa hanggang tatlong oras ang naturang pamamaraan. Matapos ang naganap na sensitibong operasyon ng mga doktor na siyang tumistis sa dating pangulong Corazon Aquino, naiulat kamakailan na matagumpay na naalis ang mga cancer cells sa colon ng una matapos ang isang oras at kalahating operasyon nito sa Makati Medical Center.



Talambuhay 
ni 
Corazon "Cory" Aquino


Walang mga komento:

Mag-post ng isang Komento