Mga Bugtong tungkol sa mga Prutas

1.  Isang magandang dalaga.‘Di mabilang ang mata.


2.  Ate mo, ate ko, Ate ng lahat ng tao.


3.  Butong binalot ng bakal, bakal na binalot ng kristal.

4.  Nag tapis nang nag tapis nakalitaw ang bulbolis.



5.  Hiyas na puso, kulay ginto, mabango kung amuyin, masarap kung kainin.



6.  Aling pagkain sa mundo, ang nakalabas ang buto?


7.  Heto na si Ingkong, nakaupo sa lusong.


8.  Nakatalikod na ang prinsesa, mukha niya'y nakaharap pa.


9.  Balat niya'y berde, buto niya'y itim,laman niya'y pula, sino siya?


10.  Kung tawagin nila'y santo, hindi naman milagroso.


11.  Bahay ni Mang Pedro, punung-puno ng bato.


12.  Baboy sa pulo, ang balahibo ay pako.


13.  Nanganak ang birhen, itinapon ang lampin.


14.  Nakayuko ang reyna di nalalaglag ang korona.


15.  May langit, may lupa, May tubig, walang isda.


16.  Kumpul-kumpol na uling, hayon at bibitin-bitin.


17.  Bunga na ay namumunga pa.


18.  Tiningnan nang tiningnan. Bago ito nginitian.


19.  Hindi prinsesa, hindi reyna. Bakit may korona?


20.  May isang prinsesa, nakaupo sa tasa.




Ang mga sagot:

  1. Pinya
  2. Atis 
  3. Lansones
  4. Mais
  5. Mangga
  6. Kasoy
  7. Kasoy
  8. Balimbing
  9. Pakwan
  10. Santol 
  11. Papaya
  12. Langka
  13. Saging 
  14. Bayabas
  15. Niyog
  16. Duhat
  17. Bunga
  18. Mais 
  19. Bayabas
  20. Kasoy

Walang mga komento:

Mag-post ng isang Komento